Great Hall of the People, Beijing—Nakipagtagpo dito Lunes, ika-27 ng Hunyo, 2016, si Pangalawang Premyer Zhang Gaoli ng Tsina sa kanyang Thai counterpart na si Somkid Jatusripitak.
Sinabi ni Zhang na ipinagdiwang noong isang taon ang ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Thailand, at mabungang-mabunga ang pragmatikong kooperasyon ng kapuwa panig sa iba't ibang larangan. Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng panig Thai, na palakasin ang pag-uugnayan ng estratehiyang pangkaunlaran ng dalawang bansa, at unawain at katigan ang isa't isa sa mga mahalagang isyung kapuwa nila pinahahalagahan. Walang humpay rin aniyang palalalimin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng daambakal, kabuhaya't kalakalan, cultural and people-to-people exchanges. Pahihigpitin din aniya ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, at pasusulungin ang komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Somkid Jatusripitak ang pag-asang mapapalakas ang pragmatikong kooperasyon sa Tsina sa daambakal, digital economy, at iba pang larangan, at mapapasulong ang mas malaking pag-unlad ng dalawang bansa, maging ng buong rehiyon.
Salin: Vera