Mula ika-7 hanggang ika-8 ng kasalukuyang buwan, idaraos ang ika-12 Summit ng G20 sa Hamburg, Alemanya. Bilang kasalukuyang Tagapangulong Bansa ng BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa), itataguyod ng Tsina ang di-pormal na pulong ng mga lider ng BRICS sa Hamburg habang idinaraos din ang G20 Summit.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Viacheslav Kholodkov, dalubhasang Ruso ng Russian Institute for Strategic Studies, na ang mekanismo ng BRICS ay nakakabuti sa pagtatatag ng isang mas makatarungan at makatwirang kaayusang pandaigdig. Ito aniya ay magiging modelo ng mga umuunlad na bansa at bagong sibol na ekonomya hinggil sa pagsasagawa ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at paggalang sa isa't isa.
Kaugnay ng kinabukasan ng BRICS, sinabi rin niyang dapat pahigpitin ng mga bansang BRICS ang mga kooperasyon sa teknolohiya at inobasyon na gaya ng teknolohiya ng impormasyon, abiyasyon, teknolohiyang ekolohikal at green economy para pataasin ang katayuan nila sa kabuhayang pandaigdig.