Idinaos kahapon, Biyernes, ika-28 ng Hulyo 2017, sa Guiyang, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ang seremonya ng pagbubukas ng Ika-10 Linggo ng Kooperasyong Pang-edukasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sa kanyang talumpati sa seremonya, binigyan ni Pangalawang Premyer Liu Yandong ng Tsina ng mataas na pagtasa ang relasyong Sino-ASEAN. Sinabi niyang sa kasalukuyan, sumusulong sa "yugto ng kahinugan" ang relasyong Sino-ASEAN. Ito aniya ay isa sa mga relasyon sa pagitan ng ASEAN at mga dialogue partner nito, na may pinakamasaganang nilalaman at pinakamalakas na bitalidad.
Dagdag ni Liu, sa pamamagitan ng 10-taong pag-unlad, ang Linggo ng Kooperasyong Pang-edukasyon ng Tsina at ASEAN ay naging magandang plataporma ng pagtutulungang pang-edukasyon at pagpapalitang pangkultura ng dalawang panig. Umaasa rin aniya siyang patitingkarin nito ang mas positibong papel, para palakasin ang estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN na nakatuon sa kapayapaan at kasaganaan, at pasulungin ang kooperasyon ng dalawang panig sa ilalim ng Belt and Road Initiative.
Salin: Liu Kai