Sa isang pahayag na inilabas Hulyo 31, 2017 ng Ministring Panlabas ng Rusya, itinanggi nito ang walang batayang pagbatikos ng Amerika dahil sa isyung nuklear ng Hilagang Korea.
Anito, sinusubaybayan ng Rusya ang kalagayan sa Peninsula ng Korea, pagkaraang ilunsad ng Hilagang Korea ang missile, noong ika-28 ng Hulyo, 2017. Samantala, mahigpit anito ang mga isinagawang aksyong militar ng Amerika, Timog Korea, at Hapon sa rehiyong ito.
Umaasa anito ang Rusya na magtitimpi ang mga may-kinalamang panig para iwasan ang paglala ng situwasyon sa peninsula ng Korea.