Beijing-Nag-usap Hulyo 31, 2017 sina Guo Shengkun, Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Tsina at dumaladaw na Ministrong Pandepensa Chansamone Chanyalath ng Laos.
Ipinahayag ni Guo ang pag-asang magsisikap ang Tsina at Laos para ibayong pasulungin ang pagtutulungang panseguridad sa Mekong River, magkasamang bigyang-dagok ang transnasyonal na krimen, upang pangalagaan ang kaligtasan at lehitimong interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa at ang katatagan ng rehiyon.
Ipinahayag naman ni Chansamone Chanyalath na nakahanda ang Laos na magsikap, kasama ng Tsina para ibayo pang palalimin ang kooperasyong panseguridad sa Mekong River, upang pangalagaan ang katatagan at seguridad ng dalawang bansa at rehiyon.