Nag-usap unang araw ng Hunyo, 2017 sa Nay Pyi Taw, Myanmar sina Aung San Su Kyi, State Counsellor ng Myanmar at Fang Fenghui, dumadalaw na Chief of Staff ng Joint Staff Department ng Central Military Commission ng Tsina.
Ipinahayag ni Aung San Su Kyi na positibo ang Myanmar sa Belt and Road Initiative. Umaasa aniya siyang ibayong mapapalalim ang pakikipagtulungan sa Tsina sa ibat-ibang larangan. Aniya, nakahanda ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina para pangalagaan ang katatagan sa purok-hanggahan.
Ipinahayag naman ni Fang na nananatiling mahigpit ang pagtitiwalaang pampulitika ng Tsina at Myanmar at lumalalim ang pagtutulungan ng dalawang panig sa larangang pangkabuhayan, kultural, at militar. Umaasa aniya siyang mapapahigpit ang pagtutulungan ng dalawang hukbo para komprehensibong pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang bansa.