Idinaos kahapon, Biyernes, ika-4 ng Agosto, 2017, sa Bangkok, Thailand, ang symposium hinggil sa pag-uugnayan ng "Thailand 4.0" economic initiative at "Belt and Road" Initiative ng Tsina.
Ang symposium na ito ay itinaguyod ng ilang media organization ng Thailand at Tsina, na kinabibilangan ng Thai-Chinese Journalists Association, China Radio International, China Economic Information Service, at iba pa.
Kalahok dito ang mga kinatawan mula sa sirkulo ng pulitika, komersyo, industriya, akademiya, at media ng dalawang bansa. Tinalakay nila ang hinggil sa mga konkretong interes na idudulot ng pag-uugnayan ng "Thailand 4.0" at "Belt and Road," mga posibleng lilitaw na isyu sa proseso ng pag-uugnayan ng dalawang inisyatiba, at paraan ng paglutas sa mga isyung ito.
Salin: Liu Kai