Pagkatapos ng pagtatagpo ng mga ministrong pandepensa ng Amerika at Biyetnam Martes sa Washington D.C., ipinatalastas ng Pentagon ng Amerika na ipapadala nito ang isang aircraft carrier para dumalaw sa Biyetnam sa taong 2018. Ito ang kauna-unahang pagdalaw ng aircraft carrier ng Amerika sa Biyetnam sapul nang 1975.
Ayon sa pahayag ng Pentagon ng Amerika, tinakalay ng mga ministrong pandepensa ng dalawang bansa ang pagpapalalim ng kooperasyong pandepensa ng dalawang bansa na gaya ng pagpapalawak ng kooperasyon ng tropang pandagat ng dalawang bansa at pagbabahaginan ng mga impormasyon.
Sa pagtatagpo, ikinasisiya ni James Mattis, Ministrong Pandepensa ng Amerika, ang mga kooperasyon ng dalawang bansa sa aksyong pamayapa, makataong tulong at pagpapatupad ng batas sa dagat.
Sa paanyaya ni Mattis, isinagawa ng kanyang counterpat na si Ngo Xuan Lich ng Biyetnam ang opisyal na pagdalaw sa Amerika mula ika-7 hanggang ika-10 ng buwang ito.
Ayon sa ulat ng opisyal na news agency ng Biyetnam, ang pagdalaw ni Ngo sa Amerika ay makakatulong sa pagpapahigpit ng mapagkaibigang relasyon at pagtitiwalaan ng mga hukbo ng dalawang bansa at pagsasakatuparan ng mga komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa sa larangang pandepensa.