Ayon sa pahayag na inilabas Miyerkules, Agosto 9, 2017 ng Ministro ng Kalusugan ng Biyetnam, pagpasok ng taong ito, natuklasan nito ang mahigit 78 libong kaso ng nagkakasakit ng dengue fever na nagresulta sa pagkamatay ng 20 katao. Ang bilang ito ay mas malaki kaysa sa bilang ng gayun ding panahon ng taong 2016.
Ipinalalagay ng nasabing departamento na dahil sa maagang pagpasok ng tag-ulan, ito'y nagkaloob ng magandang kondisyon para sa paglaki at pagkalat ng mga lamok. Ito'y nagdulot ng pagdami ng kaso ng nagkakasakit ng dengue fever kumpara sa taong 2016.