Idinaos kahapon, Lunes, ika-14 ng Agosto 2017, sa Chengdu, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ang seremonya ng paglalagda sa kasunduan hinggil sa pagtatayo ng Malaysia National Pavilion sa Shuangliu Pilot Free Trade Zone, na matatagpuan sa naturang lunsod.
Sa tulong ng Ministri ng Kalakalang Pandaigdig at Industriya ng Malaysia at Shuangliu Pilot Free Trade Zone, magkakaloob ang naturang pabilyon ng two-way service sa mga aspekto ng kabuhayan, kultura, edukasyon, turismo, pamumuhunan, at iba pa. Hihikayatin nito ang mga pamumuhunan at produkto ng Malaysia sa Tsina, at tutulungan din ang mga bahay-kalakal na Tsino, na mamuhunan at magluwas ng mga produkto sa Malaysia.
Sa unang yugto, papasok sa naturang pabilyon ang 4 na kompanyang Malay sa aspekto ng pagkain.
Salin: Liu Kai