Bilang sugo nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina, dumalo Agosto 9, 2017 si Wang Yong, Kasangguni ng Estado ng Tsina, kasama ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia, sa inagurasyon ng konstruksyon ng daambakal sa silangang baybaying dagat ng Malaysia.
Nang araw ring iyon, kinatagpo si Wang ni Punong Ministrong Najib Tun Razak. Ipinahayag ni Wang ang pag-asang sasamantalahin ng Tsina at Malaysia ang pagkakataong dulot ng "Belt and Road Initiative," at tutupdin ang komong palagay na narating ng mga liderato ng dalawang panig para ibayong palalimin ang pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng daambakal, upang maisakatuparan ang magkasamang pag-unlad ng dalawang panig. Ipinahayag naman ni Najib na nananatiling mainam ang relasyong Sino-Malaysian. Nakahanda aniya ang Malaysia na magsikap, kasama ng Tsina para pasulungin ang bilateral na realsyon ng dalawang bansa sa mas mataas na antas. Aniya, pinasasalamatan ng Malaysia ang pakikisangkot ng Tsina sa konstruksyon ng daambakal ng bansa. Ito aniya'y makakatulong sa kaunlarang pangkabuhayan ng Malaysia.