Ayon sa estadistikang ipinalabas kamakailan ng Ministri ng Kalakalang Pandaigdig at Industriya ng Malaysia, noong unang hati ng taong ito, umabot sa mahigit 139 na bilyong Malaysian Ringgit o halos 32.4 bilyong Dolyares ang halaga ng kalakalan ng Malaysia at Tsina. Ang bilang na ito ay lumaki ng 28% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Ang Tsina ay nananatiling pinakamalaking trade partner, pinakamalaking bansang pinanggagalingan ng pag-angkat, at ikalawang pinakamalaking destinasyon ng pagluluwas ng Malaysia.
Salin: Liu Kai