Ipinatalastas kamakailan ng Oversea-Chinese Banking Corporation (OCBC Bank) na nakabase sa Singapore na nilagdaan nito, kasama ng Bank of Ningbo ng Tsina ang kasunduan ng sampung taong estratehikong pagtutulungan.
Batay sa nasabing kasunduan, sasamantahin ng dalawang bangko ang kanilang bentahe para isagawa ang komprehensibong pagtutulungan sa larangan ng onshore/offshore services, serbisyo para sa mga indibiduwal, pamumuhunan at iba pa.
Noong Enero 2006, binili ng OCBC Bank ang 12.2% ng share ng Bank of Ningbo (BON), at dahil dito ito ang naging unang Singapore bank na nagsagawa ng estratehikong pamumuhunan isang bangkong Tsino. Noong Setyembre 2014, dinagdagan ng OCBC Bank ang shareholding nito sa BON hanggang sa 20%.
Salin: Jade
Pulido: Rhio