Idinaos kahapon, Huwebes, ika-24 ng Agosto, 2017, sa Nanning, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ang Ika-8 Porum hinggil sa Kooperasyon sa Pagmimina ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Kalahok sa porum ang halos 800 kinatawan mula sa Tsina at mga bansang ASEAN. Tinalakay nila ang hinggil sa pagpapasulong ng pagmimina sa rehiyon ng Tsina at ASEAN, at pagpapalakas ng kooperasyon ng dalawang panig sa aspektong ito.
Sinabi ni Cao Weixing, Pangalawang Ministro ng Yamang Panlupa ng Tsina, na sa ilalim ng upgraded China ASEAN Free Trade Area, kinakaharap ng dalawang panig ang ibayo pang magandang pagkakataon para sa kooperasyon sa pagmimina. Ipinalalagay niyang kailangang itakda ng Tsina at mga bansang ASEAN ang pangmatalagang plano, para palalimin ang komprehensibo at pragmatikong kooperasyon sa aspektong ito.
Salin: Liu Kai