Matatagpuan ang nayong Seguola sa lunsod ng Linzhi, Rehiyong Awtonomo ng Tibet, Tsina. Sa wikang Tibetan, ang nayong Seguola ay nangangahulugang "nayon ng mundo." Mula noong 2012, isinulong ng nayong ito ang pagpapatakbo ng poultry farming, at puspusang pinaunlad ang pagpapatubo ng mga namumungang punong-kahoy at greenhouse ng mga gulay, bagay na nagbigay-wakas sa kasaysayan nito sa pagba-barter ng mga prutas at gulay para sa pagkaing-butil.
Pagkaraan ng limang (5) taong pagsisikap ng buong nayon, noong isang taon, umabot sa halos 19 libong RMB ang kita ng bawat residente ng nayong ito.
Salin: Li Feng