Sa panahon ng Ika-8 Porum hinggil sa Kooperasyon sa Pagmimina ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na binuksan nitong Huwebes, ika-24 ng Agosto, 2017, sa Nanning, lunsod sa timog kanlurang Tsina, nilagdaan ng China Mining Association at ASEAN Federation of Mining Associations ang Memorandum of Cooperation.
Nilagdaan din ng mga kalahok na kompanya ng Tsina at mga bansang ASEAN ang mga kasunduang pangkooperasyon sa mga proyekto ng pagmimina, na nagkakahalaga ng halos 5.3 bilyong yuan RMB.
Samantala, isinagawa rin ang promosyon ng 17 proyekto ng pagmimina ng Tsina, Thailand, Malaysia, at Indonesya.
Salin: Liu Kai