Idinaos Miyerkules, Agosto 30, 2017 sa Embahadang Tsino sa Myanmar ang seremonya bilang pagpapadala ng 103 taga-Myanmar na nakatakdang mag-aral sa Tsina. Sila ay mga estudyante, opisyal ng pamahalaan at staff ng mga organisasyon ng bansang ito.
Sa seremonya, sinabi ni Hong Liang, Embahador Tsino sa nasabing bansa, na ang talento ay susi ng pag-ahon ng Myanmar. Sinabi pa niyang bilang mainam na kaibigan ng Myanmar, nakahanda ang Tsina na tulungan ang mga talento ng bansang ito.
Umaasa aniya siyang buong sikap na mag-aaral ang naturang mga mamamayan ng Myanmar sa Tsina at gaganap sila ng papel upang maging tulay sa pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa.
Hinimok naman ni Kyaw Kyaw Khaung, Rector ng East Yangon University at kinatawan ng Departamento ng Edukasyon ng Myanmar, ang mga mamamayan ng Myanmar na buong sikap na mag-aaral sa Tsina para mas mainam na makapaglingkod sa pag-unlad ng bansa sa hinaharap.
Ipinagkaloob ng Tsina ang scholarship para sa pag-aaral ng naturang 103 taga-Myanmar sa mga kolehiyo at pamantasan ng Tsina.
Noong 2016, halos 440 libong dayuhang estudyante ang nag-aral sa Tsina. Ang bilang na ito ay pinakamarami sa mga bansang Asyano at nasa ika-10 puwesto sa buong daigdig.