Shanghai, Tsina-Ipinatalastas kagabi, Agosto 30, 2017 ng BRICS New Development Bank (NDB) ang pagbibigay ng 1.4 bilyong dolyares sa 4 na proyekto ng mga kasaping bansa ng BRICS, na kinabibilangan ng dalawa mula sa Tsina, at dalawang iba pa mula sa India at Rusya. Kabilang sa naturang apat na proyekto ay Pangangasiwa sa Ilog Xiangjiang sa lalawigang Hunan ng Tsina, Pagtitipid ng enerhiya sa lalawigang Jiangxi ng Tsina, Proyekto ng malinis na tubig sa kanayunan ng India, at Konstruksyon ng sistemang pangkatarungan ng Rusya.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni K.V. Kamath, Presidente ng NDB na ang mga nasabing proyekto ay angkop sa ideya ng bangko sa pagpapasulong sa sustenableng pag-unlad. Aniya, susuportahan ng kanyang bangko ang mas maraming proyekto sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.