Magway, Myanmar—Idinaos Huwebes, Agosto 31, 2017 ang seremonya ng pagtatapos ng pagtatanim ng China-Myanmar Friendship Ecological Forest.
Ang Magway ay isa sa mga lalawigan ng Myanmar na tinatamaan ng pinakamatinding tagtuyot. Ang nasabing proyekto ay inilunsad noong Oktubre, 2016. Sa suportang pinansyal ng Pasuguan ng Tsina sa Myanmar, 150,000 puno ang naitanim sa Magway. Samantala, ang Ministri ng Likas na Yaman at Pangangalaga sa Kapaligiran ng Myanmar ay namamahala sa pag-aalaga sa nasabing kagubatang artipisyal.
File photo: Sina Ambassador Hong Liang ng Pasuguang Tsino sa Myanmar at U Ohn Win, Ministro ng Likas na Yaman at Pangangalaga sa Kapaligiran ng Myanmar habang nagtatanim ng punla sa seremonya ng paglulunsad ng proyektong ekolohiyal ng China-Myanmar Friendship Forest, Oktubre, 2016.
Salin: Jade
Pulido: Mac