Ipinahayag Martes, Setyembre 5, 2017 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa mga kooperasyon, iginigiit ng mga bansang BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa) ang paggalang sa isa't isa at pantay na tinatalakay ang mga isyu. Aniya, hindi pinamumunuan ng kahit sinumang bansa ang ibang kasapi ng BRICS.
Kaugnay ng mga mungkahi na iniharap ng Tsina sa BRICS Summit sa Xiamen, sinabi ni Geng na ang naturang mga mungkahi ay naglalayong pasulungin ang kooperasyon sa pagitan ng mga bansang BRICS at pag-unlad ng Emerging Markets at umuunlad na bansa.