Huwebes, ika-7 ng Seytembre, 2017, ipinahayag dito sa Beijing ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na dahil sa pagbabago ng kalagayan ng Korean Peninsula, sinang-ayunan ng panig Tsino ang paggawa ng United Nations Security Council (UNSC) ng ibayo pang reaksyon dito, at pagsasagawa ng kinakailangang hakbangin.
Aniya, umaasa ang panig Tsino na maiintindihan ng panig Hilagang Koreano ang kalagayan, gagawin ang tumpak na kapasiyahan at pagpili, at huwag hamunin ang komong palagay at pasensya ng komunidad ng daigdig.
Inulit din niya ang paninindigan ng panig Tsino sa paglutas sa isyu ng Hilagang Korea sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Napag-alaman, tinatalakay ng UNSC ang bagong burador na resolusyon ng pagpapataw ng sangsyon sa Hilagang Korea, at may pag-asa itong pagbobotohan sa susunod na Lunes.
Salin: Vera