Guangzhou, Lalawigang Guangdong ng Tsina—Huwebes ng hapon, ika-7 ng Setyembre, 2017, idinaos dito ang promosyong panturismo ng Tsina (Guangdong) at ASEAN. Inilabas din sa pulong ang "Deklarasyon Hinggil sa De-Kalidad na Turismo ng Tsina (Guangdong) at ASEAN, kung saan iminungkahing magkasamang gawing istandard ang kaayusan ng pamilihan, at pataasin ang kalidad ng turismo.
Magkasamang lumagda sa nasabing deklarasyon ang 16 na bahay-kalakal mula sa Thailand, Singapore, Indonesia at Lalawigang Guangdong. Ipinangako nilang ipagkaloob ang de-kalidad na produkto at serbisyong panturismo sa mga manlalakbay ng iba't ibang bansa.
Ipinahayag ni Zeng Yingru, Direktor ng Kawanihan ng Turismo ng Lalawigang Guangdong, na noong 2016, lampas sa 6.2 milyong person-time ang bilang ng pagdadalawan sa pagitan ng Guangdong at ASEAN. Kabilang dito, mahigit 4.4 milyong person-time na turista ng Guangdong ang bumisita sa ASEAN, at lampas sa 1.8 milyong person-time naman ang mga manlalakbay na ASEAN sa Guangdong.
Salin: Vera