Ayon sa estadistikang ipinalabas kamakailan ng Department of Tourism (DoT) ng Pilipinas, noong Enero at Pebrero ng taong ito, umabot sa mahigit 164 na libo ang bilang ng mga turistang Tsino sa Pilipinas, at lumaki ang bilang na ito ng 25.42% kumpara sa gayun ding panahon ng taong 2016.
Ayon sa DoT, batay sa estadistika noong nagdaang Enero at Pebrero, ang Tsina ay ikatlong pinakamalaking pinanggagalingan ng mga turista sa Pilipinas. Nasa unang puwesto ang Timog Korea, na may mahigit 305 libong turista, at nasa ikalawang puwesto ang Amerika, na may halos 180 libo.
Kung titingnan ang paglaki ng bilang ng mga turista, nasa ikalawang puwesto ang Tsina. Nangunguna ang Indya, na ang paglaki ay 27.99% at ang bilang ng mga turista ay mahigit sa 19 na libo.
Salin: Liu Kai