Maynila, Pilipinas—Idinaos Sabado, Setyembre 11, 2017 ang Ika-5 Pulong ng mga Ministrong Pangkabuhayan ng East Asia Summit (EAS). Lumahok sa pulong ang mga kinatawan mula sa sampung bansa ng Association of Southeast Asian Nations, ASEAN Secretariat, at mga dialogue partner ng ASEAN na gaya ng Amerika, Australia, Tsina, Hapon, India, New Zealand, Rusya at Timog Korea. Nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa paghahanda para sa Ika-12 EAS, at kalagayan ng pag-unlad ng rehiyon at daigdig.
Ipinahayag ni Zhong Shan, kalahok na Ministro ng Komersyo ng Tsina ang patuloy na pananangan ng bansa sa prinsipyo ng pagganap ng ASEAN ng pangunahing papel sa ilalim ng balangkas ng EAS at magkakasamang pagpapasulong ng kaunlarang pangkabuhayan at seguridad na pampulitika ng rehiyon. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng mga may kinalamang panig, para ibayo pang pasulungin ang rehiyonal na pagtutulungan ng Silangang Asya.
Salin: Jade