Sa unang position paper ng Brexit na inilabas Miyerkules, Agosto 15, 2017, iniharap ng pamahalaan ng Britanya ang plano ng pagtatatag ng pansamantalang union ng adwana sa Unyong Europeo (EU) para maiwasan ang negatibong epekto sa kabuhayan ng bansang ito , matapos itong tumiwalag sa EU.
Ipinahayag ni David Davis, Ministro ng Pagtiwalag ng Britanya sa EU, na ang nasabing plano ay angkop sa kapakanan ng dalawang panig.
Ayon sa plano ng Britanya, sa termino ng pansamantalang union ng adwana, may kapangyarihan ang Britanya na lumagda ng kasunduan ng komersyo at negosyo sa ibang mga bansang di-nabibilang sa EU.
Pero, hindi itinakda ng nasabing plano ang aktuwal na panahon ng termino ng nasabing union.