Ipinahayag kahapon, Setyembre 12, 2017 ni Ormsin Chivapruck, PM's Office Minister ng Thailand na may pag-asang lalampas sa 10 milyon ang kabuuang bilang ng mga turistang Tsino na naglalakbay sa Thailand sa taong ito.
Idinaos nang araw ring iyon ang Ika-14 China-ASEAN Expo at China-ASEAN Business and Investment Summit sa lunsod ng Nanning, Probinsyang Guangxi ng Tsina. Bilang isang pangunahing bansa sa linya ng 21st-Century Maritime Silk Road, sa ngalan ng Thailand, ang lunsod ng Chon Buri, Rayong at Chachoengsao ang kalahok sa idinaraos na eksbisyon ng kaakit-akit na lunsod at komprehensibong ipinakita ang kanilang kaunlaran at pagkakataong komersyal sa aspekto ng kalakalan, pamumuhuan, siyensiya at teknolohiya, kultura, turismo at iba pa.