Nag-usap sa telepono, Lunes, Setyembre 19, 2017, sina Xi Jinping, Pangulo ng Tsina at Donald Trump, Pangulo ng Amerika.
Ipinahayag ni Trump ang kanyang inaasahan sa gaganaping dalaw-pang-estado sa Tsina. Nananalig aniya siyang ang pagdalaw ay tiyak na magpapasulong ng pag-unlad ng relasyon ng Amerika at Tsina.
Binigyan-diin ni Xi na masayang pinananatili nila ang ugnayan hinggil sa mga isyung kapuwa pinahahalagahan ng dalawang panig. Dapat aniyang nilang palakasin ang pagpapalitan sa iba't ibang antas, gawin ang lubos na paghahanda para sa unang China-U.S. social and cultural dialogue, at law enforcement and cyber security dialogue, at palawakin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan.
Salin:Lele