|
||||||||
|
||
Huwebes, Setyembre 21, 2017, dumalo at bumigkas ng talumpati si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa pangkalahatang debatehan ng Ika-72 United Nations (UN) General Assembly.
Inilahad ni Wang ang posisyon at paninindigan ng panig Tsino tungkol sa mga isyung gaya ng situwasyon ng Korean Peninsula, krisis ng Syria, isyu ng Palestina, paglaban sa terorismo, pagbabago ng klima, pagsasaayos ng buong mundo, at isyu ng globalisasyon.
Ipinagdiinan niya na ang Tsina ay palagiang puwersang pangkapayapaan, at gumawa ito ng walang humpay na pagsisikap para mapayapang lutasin ang isyung nuklear ng Korean Peninsula. Aniya, patuloy na igigiit ng Tsina ang pagsasakatuparan ng target ng walang-nuklear na Korean Peninsula sa pamamagitan ng diyalogo at talastasan para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |