Sa seremonya ng pagbubukas ng Belt and Road Forum for International Cooperation ngayong araw, Mayo 14, 2017 , naglabas si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng talumpating pinamagatang Magkaisa para Itatag ang Silk and Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road.
Tinukoy ni Pangulong Xi na ang panahon ng sinaunang Silk Road ay inilarawan bilang mga lugar ng gatas at pulot. Pero, ngayon, may mga lugar na nagsisilbing singkahulugan ng kaligaligan at krisis. Kaya, hinimok ng pangulong Tsino na itatag ang Belt and Road bilang landas ng kapayapaan na nagtatampok sa bagong relasyong pandaigdig hinggil sa pagtutulungan, komong kasaganaan, pagsasanggunian at partnership. Hinimok din niyang itatag ang Belt and Road bilang landas ng kasaganaan kung saan ang lahat ng mga bansa ay maaaring magsulong ng kani-kanilang kasiglahang pangkaunlaran sa pamamagitan ng mga kooperatibong proyekto, magtatag ng matatag at sustenableng sistemang pinansyal, magpasulong ng ugnayang pandagat, panlupa, panghimpapawid at pang-Internet, at magtatag ng pandaigdig na network ng enerhiya at lohistika.
Salin: Jade
Pulido: Rhio