Huwebes, ika-22 ng Setyembre, 2017, inalis ng "Comfort Women" Justice Coalition (CWJC), isang organisasyong di-pampamahalaan ng San Francisco, Estados Unidos ang tabing ng isang grupo ng mga istatwa ng "comfort women" sa St. Mary Square, San Francisco. Ito ang unang grupo ng memorial na itinayo sa isang pangunahing malaking lunsod ng Amerika.
Ang nasabing grupo ng mga istatwa ay kinabibilangan ng istatuwa ni Kim Haksoon, isang comfort woman ng Timog Korea na unang nagkuwento sa publiko ng kanyang karanasan, at istatwa ng tatlong magkaka-hawak-kamay na mga "comfort women" mula sa Tsina, Timog Korea at Pilipinas.
Ang pagtatayo ng mga istatuwa ay naglalayong ipaalaala sa mga tao na huwag makalimutan ang kasyasayan.
Salin: Vera