|
||||||||
|
||
Washington D.C. — Nitong Huwebes, Setyembre 28 (local time), 2017, kinatagpo ni US President Donald Trump si Liu Yandong, Pangalawang Premyer ng Tsina na lumalahok sa unang China-US Social and People-to-People Dialogue.
Ipinaabot ni Liu kay Trump ang pangungumusta ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Aniya, sa ilalim ng magkasamang pagsisikap, natamo ng nasabing diyalogo ang positibong bunga. Umaasa siyang mataimtim na maisasakatuparan ng dalawang panig ang mga mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa upang mapasulong ang kooperasyong Sino-Amerikano sa mga larangang gaya ng edukasyon, siyensiya't teknolohiya, kultura, kalusugan, palakasan, at pangangalaga sa kapaligiran.
Pinasalamatan naman ni Trump ang pangungumusta mula kay Xi. Ipinahayag niya ang lubos na kasabikan sa nalalapit na biyahe sa Tsina. Umaasa aniya siyang ibayo pang mapapalawak ng dalawang bansa ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't-ibang larangan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |