|
||||||||
|
||
Washington D.C. — Idinaos nitong Huwebes, Setyembre 28 (local time), 2017, ang unang China-US Social and People-to-People Dialogue na magkasamang pinanguluhan nina Liu Yandong, Pangalawang Premyer ng Tsina, at Rex Tillerson, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos.
Sina Liu Yandong (sa kaliwa), Pangalawang Premyer ng Tsina, at Rex Tillerson (sa kanan), Kalihim ng Estado ng Amerika
Ipinahayag ni Liu na sapul noong 2010, natamo ng pagpapalitang Sino-Amerikano sa kultura ang kapansin-pansing bunga. Ito aniya ay nakakapagpatingkad ng espesyal na papel para sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Amerikano. Sa bagong kalagayan, ang ibayo pang pagpapalakas ng pagpapalitang pangkultura ng dalawang bansa ay may mahalagang katuturan upang maigarantiya ang sustenable, malusog, at matatag na pag-unlad ng kanilang relasyon.
Ipinahayag naman ni Tillerson na nitong ilang taong nakalipas, mahigpit ang pagpapalitang pangkultura ng Amerika at Tsina. Lubos aniyang pinahahalagahan ng panig Amerikano ang ganitong pagpapalitan, at nakahanda itong magsikap kasama ng panig Tsino upang maisakatuparan nang mainam ang natamong bunga ng diyalogo.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |