|
||||||||
|
||
Ipinatalastas Miyerkules, Setyembre 27, 2017, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bibiyahe sa Tsina sa araw ng Sabado, si Rex Tillerson, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos. Ito aniya ay paghahanda para sa gagawing pagdalaw ni US President Donald Trump sa Tsina sa loob ng taong ito.
Ipinahayag ni Lu ang kahandaan ng Tsina na sa kasalukuyang pundasyon, panatilihin kasama ng Amerika, ang tunguhin ng bilateral na pagpapalagayan at pagtutulungan ng dalawang bansa upang maigarantiya ang pagtatamo ng biyahe ni Trump ng positibong bunga at mapasulong pa ang relasyong Sino-Amerikano.
Dagdag pa niya, sa panahon ng biyahe ni Tillerson sa Tsina, magpapalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa bilateral na relasyon at mga mahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |