Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo sa Great Hall of the People Sabado, Setyembre 30, 2017, kay Rex Tillerson, dumadalaw na Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na sa kasalukuyan, matatag ang pag-unald ng relasyong Sino-Amerikano. Lubos aniyang pinahahalagahan ng panig Tsino ang gagawing state visit ni pangulong Donald Trump ng Amerika sa Tsina sa darating na Nobyembre. Dapat magkasamang magsikap at magtulungan ang kaukulang departamento ng dalawang bansa upang maigarantiyang maging isang matagumpay at espesyal na biyahe.
Ipinagdiinan din ng pangulong Tsino na bilang pinakamalaking umuunlad na bansa at maunlad na bansa sa daigdig, ang mapayapang pakikipamuhayan at pagtutulungan ng Tsina at Amerika ay nakakapagbigay ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa at buong daigdig. Dapat aniyang igiit ang tumpak na direksyon upang mapaunlad ang relasyong Sino-Amerikano, at ang kooperasyon ay siyang tanging tumpak na pinagpipilian ng dalawang panig.
Ipinaabot naman ni Tillerson kay pangulong Xi ang pangungumusta ni pangulong Trump. Ipinahayag niya ang lubos na inaasahan ni Trump sa kanyang gaganaping pagdalaw sa Tsina. Nakahanda aniya ang panig Amerikano na magsikap kasama ng panig Tsino upang walang humpay na mapalalim ang pagtitiwalaan, mapalakas ang pagkokoordinahan, at mapalakas ang kooperasyong Amerikano-Sino sa iba't-ibang larangan.
Kasama sa pagtatagpo si Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina.
Salin: Li Feng