Paris, punong himpilan ng IEA—Ayon sa ulat na ipinalabas Miyerkules, Oktubre 4, 2017, ng International Energy Agency (IEA), nitong nagdaang 2016, lumaki nang 50% ang solar photovoltaic (PV) system capacity sa buong daigdig, at halos kalahati ng nasabing paglaki ay galing sa Tsina. Tatlong taon mas maagang naisakatuparan ng Tsina ang 2020 solar PV target nito.
Anang ulat, sa kabuuan, 40% ng pandaigdig na renewable capacity growth ay galing sa Tsina. Bukod sa solar energy, nangunguna pa rin ang Tsina sa daigdig sa hydropower, bioenergy for electricity and heat, at electric vehicles.
Anito pa, ang dahilan ng mabilis na pagpapasulong ng Tsina ng mga renewable energy ay para matugunan ang polusyon at isakatuparan ang renewable capacity target na itinakda sa ika-13 panlimahang taong pambansang planong pangkaunlaran mula 2016 hanggang 2020.
Salin: Jade