Idinaos kahapon, Sabado, ika-14 ng Oktubre 2017, sa Saint Petersburg, Rusya, ang BRICS Parliamentary Forum.
Tinalakay ng mga lider ng parliamento ng mga bansang BRICS, na kinabibilangan ng Brazil, Russia, India, China, at South Africa, ang hinggil sa pagpapalakas at pagpapalalim ng kooperasyon ng lehislatura ng kani-kanilang bansa. Ipinahayag nila ang kahandaang, batay sa mga narating na komong palagay sa BRICS Xiamen Summit, pasulungin ang reporma sa pandaigdig na sistema ng pangangasiwa, palakasin ang pagpapalitan ng mga karanasan sa pamamahala sa estado, at lumikha ng magandang kapaligirang pambatas para sa kooperasyon ng BRICS.
Salin: Liu Kai