Nay Pyi Taw, Myanmar-Muling ipinahayag Oktubre 15, 2017 ni Aung San Suu Kyi, State Counsellor ng Myanmar na handang isali ng pamahalaan ang lahat ng mga sandatahang lakas ng mga grupong etniko, sa prosesong pangkapayapaan ng bansa.
Winika ito ni Aung San Suu Kyi sa pagtitipon bilang paggunita sa ika-2 anibersaryo ng paglalagda sa Pambansang Kasunduan sa Tigil-putukan ng Myanmar. Aniya, ang nasabing kasunduan ay magbubukas ng pinto ng diyalogong pampulitika, at ito ay lilikha ng mapayapang kapaligiran para sa 21st Century Panglong Ethnic Conference na nakatakdang idaos sa ika-4 na kuwarter ng taong ito. Noong Oktubre, 2015, nilagdaan ang kasunduan sa tigil-putukan sa pagitan ng pamahalaan ng Myanmar at 8 sandatahang lakas ng mga pambansang minorya.
Noong Agosto, 2016, idinaos ang unang 21st Century Panglong Ethnic Conference. Napagpasiyahan sa pulong ang nakatakdang pagdaraos ng nasabing pulong, kada anim na buwan, hanggang maisakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan ng bansa.