Sinabi ngayong umaga, Miyerkules, ika-18 ng Oktubre 2017, sa Beijing, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na bubuuin ang sentral na namumunong grupo hinggil sa pamamahala sa estado alinsunod sa batas. Ito aniya ay para palakasin ang "rule of law" sa iba't ibang usapin ng Tsina.
Winika ito ni Xi, sa kanyang report sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC, na binuksan nang araw ring iyon.
Dagdag niya, ang mga tungkulin ng naturang grupo ay kinabibilangan ng pagpapalakas ng pagpapairal ng Konstitusyon ng Tsina, pangangalaga sa awtorisasyon ng Konstitusyon, at iba pa. Binigyang-diin din niyang hindi dapat magkaroon ng prebilehiyo ang anumang organisasyon o indibiduwal, na mangingibabaw sa Konstitusyon.
Salin: Liu Kai