Sa kanyang ulat sa Ika-19 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), tinukoy ngayong araw, Oktubre 18, 2017, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, na sa taong 2020, komprehensibong itatatag ng Tsina ang may-kaginhawahang lipunan. Hanggang taong 2035, maisasakatuparan sa kabuuan ng Tsina ang isang modernisadong sosyalistang bansa. Aniya, tataas nang malaki ang pambansang puwersang pangkabuhayan, pansiyensiya't panteknolohiya, at magiging mas mabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan, tataas din ang proporsiyon ng middile-income group. Bukod dito, malinaw na liliit ang agwat ng pag-unlad ng mga lunsod at nayon, at lebel ng pamumuhay ng mga residente. Maisasakatuparan ang malawakang pagsaklaw ng mga pundamental na serbisyong pampubliko, bubuti nang malaki ang kapaligirang ekolohikal, at maisasakatuparan sa kabuuan ang hangarin ng pagtatatag ng magandang Tsina, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng