|
||||||||
|
||
Sa kanyang ulat sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), tinukoy ngayong araw, Oktubre 18, 2017, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, na lubos na kinamumuhian ng mga mamamayan ang korupsyon. Aniya, dapat igiit ng Komite Sentral ng CPC ang zero tolerance sa korupsyon, at arestuhin ang lahat ng mga tumatakas na opisyal.
Dagdag pa niya, dapat itatag at pabutihin ang report platform na sasaklaw sa discipline inspection and supervision system.
Aniya, nitong limang taong nakalipas, sapul nang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, buong tatag na pinapalakas ng CPC ang sariling konstruksyon para mapalakas ang pamamahala at pangangasiwa sa Partido. Sa ngayon, walang humpay na pinabubuti ang sistemang pambatas sa loob ng CPC, at puspusan nitong nilulutas ang mga problemang binibigyan ng pinakamalaking pansin ng mga mamamayan na tulad ng buong higpit na pakikibaka laban sa korupsyon, dagdag ni Xi
Ang CPC National Congress ay idinaraos kada limang taon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |