Isinapubliko Oktubre 17, 2017 ng Ministri ng Turismo at Palakasan ng Thailand na noong unang 9 na buwan ng taong ito, umabot sa mahigit 26 milyon ang bilang ng mga turistang dayuhan sa bansa. Ito ay mas malaki ng 5.4% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon. Samantala, mahigit 40 bilyong dolyares naman ang kinita ng bansa mula sa industriyang panturismo sa panahong iyon. Ito'y mas malaki ng halos 8% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.
Sa kasalukuyan, ang Tsina ay nagsisilbing pinakamalaking pinanggagalingan ng mga turistang dayuhan sa Thailand.