|
||||||||
|
||
Ang Tsina ay ibayo pang magrereporma at magbubukas sa labas. Ito ang ipinangako ni Xi Jinping, bagong halal na General Secretary ng Communist Party of China (CPC) Central Committee sa kanyang pagpapakilala sa media sa bagong sentral na liderato ng CPC.
"Kami ay magbabalik-tanaw sa mga karanasan at babatay sa magandang kasiglahan, para ipagpatuloy ang modernisasyon sa sistema ng Tsina at kakahayan sa pangangasiwa, at magsasagawa ng determinadong pagsisikap para komprehensibong palalimin ang reporma at pagbubukas sa labas ng bansa," dagdag pa ni Xi.
Ang taong 2018 ay ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas sa labas. Kaugnay nito, sinabi ni Xi na dahil sa apat na dekadang reporma at pagbubukas, ang mga mamamayang Tsino ay nagkakaroon ng disente at mas komportableng pamumuhay. Sinabi niyang pinupunan ng isa't isa ang reporma at pagbubukas, at naniniwala siyang ang dakilang muling pag-ahon ng nasyong Tsino ay maisasakatuparan sa kurso ng reporma at pagbubukas sa labas.
Naihalal sa kapipinid na unang sesyong plenaryo ng Ika-19 na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang mga bagong miyembro ng Pirmihang Komite ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC.
Kabilang sa mga bagong miyembro ay Xi Jinping, Li Keqiang, Li Zhanshu, Wang Yang, Wang Huning, Zhao Leji at Han Zheng.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |