|
||||||||
|
||
Sinabi ni Rodrigo Duterte, Pangulo ng Pilipinas at Tagapangulo ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan, na sa pamumuno ni Xi at ng CPC, ang Tsina ay naging isa sa mga bansang malakas ang kabuhayan, at malaki ang impluwensiya sa daigdig. Nananalig aniya siyang, patuloy na magpapatingkad ang Tsina ng masusing papel, sa pagpapasulong ng malakas at sustenableng paglaki ng kabuhayang pandaigdig, at magbibigay ng mas malaking ambag para sa katiwasayan at katatagan ng Asya-Pasipiko, at maging sa buong daigdig.
Sinabi naman ni Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam, na naniniwala siyang sa ilalim ng pamumuno ng CPC, sa pangunguna ni Xi, maisasakatuparan ng CPC at mga mamamayang Tsino ang mga target ng sosyalistang modernisasyon sa lalong madaling panahon.
Sinabi naman ni Bounngang Vorachith, Pangulo ng Laos at Pangkalahatang Kalihim ng Lao People's Revolutionary Party, na naniniwala siyang sa ilalim ng pamumuno ng CPC, matatamo ng mga mamamayang Tsino ang mas malaking bunga sa pambansang kaunlaran at titingkad ang mas malaking papel ng Tsina sa pangangalaga sa kapayapaan, kooperasyon at kaunlaran ng rehiyon at buong daigdig.
Sinabi naman ni Hun Sen, Punong Ministro ng Kambodya at Tagapangulo ng Cambodian People's Party, na ang muling pagkahalal ni Xi bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC ay nagpapakita ng malaking kompiyansa ng CPC at mga mamamayang Tsino sa kanya.
Sinabi naman ni Aung San Suu Kyi, State Counsellor ng Myanmar at Tagapangulo ng National League for Democracy, na naniniwala siya sa pamumuno ng bagong liderato, tiyak na magtatagumpay ang CPC sa komprehensibong pagkakatatag ng may kaginhawahang lipunan.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |