Ipinadala Oktubre 25, 2017 ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang mensahe bilang pagbati sa panunungkulan ni Xi Jinping bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Kumunista ng Tsina(CPC).
Ipinahayag ni Pangulong Putin na ang resulta ng halalan ng 19th CPC National Congress ay lubusang nagpapakita ng karangalang pulitikal ni Pangkalahatang Kalihim Xi sa buong CPC. Samantala, suportado aniya ng lahat ng mga mamamayang Tsino at komunidad ng daigdig ang ideyang iniharap ni Xi hinggil sa pagpapasulong ng kaunlarang panlipunan at pangkabuhayan ng Tsina at pagpapatibay ng posisyon ng bansa sa daigdig.
Nananalig si Putin na ang mga patakarang binalangkas sa 19th CPC National Congress ay makakatulong sa ibayong pagpapatibay ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Rusya. Umaasa aniya siyang magkasamang magsisikap ang Tsina at Rusya para palakasin ang kooperasyon sa ibat-ibang larangan, at pasulungin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.