Napagkasunduan ng Timog Korea at Amerika na magtatalaga ng mas maraming estratehikong sandata ng Amerika sa Timog Korea para ibayo pang pahigpitin ang koalisyong militar ng dalawang bansa.
Idinaos noong Oktubre 28, 2017, sa Seoul ang ika-49 na pulong panseguridad ng Timog Korea at Amerika, at sa news briefing pagkatapos ng pulong na ito, sinabi ni Song Young-moo, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Timog Korea, na pahihigpitin ng dalawang panig ang mga kooperasyon para mapigilan ang nuklear na pagsubok ng Hilagang Korea.
Sinabi pa niyang upang palakasin ang kakayahan ng hukbo ng bansang ito, isasagawa ng Timog Korea at Amerika ang pagsasanggunian at pagtutulungan sa pagdedebelop ng mga missile at ibang mga high-tek na sandata.
Sinabi naman ni James Mattis, Kalihim ng Tanggulan ng Amerika, na hindi kinikilala ng kanyang bansa ang kapangyarihan ng Hilagang Korea sa pagkakamit ng sandatang nuklear. Sinabi pa niyang ang dapat gawin ay magtayo ng matibay na pundasyon para malutas ang isyung nuklear sa Korean Peninsula sa paraang diplomatiko.
Bukod dito, binalaan niya ang Hilagang Korea na huwag magsagawa ng maling konklusyon sa kasalukuyang kalagayan.