|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ni Ministrong Panlabas Angelino Alfano ng Italya na upang harapin ang palala nang palalang missile threat mula sa Hilagang Korea, palalayasin ng kanyang bansa ang North Korean ambassador sa Italya.
Ipinahayag din niya na hindi puputulin ng Italya ang relasyong diplomatiko sa Hilagang Korea upang mapanatili ang tsanel ng pagkokoordinahan. Hindi pa nilinaw ni Alfano kung kailan aalis ang embahador ng Hilagang Korea.
Nitong ilang araw na nakalipas, maraming beses na isinagawa ng Hilagang Korea ang paglunsad ng missiles at nuclear test. Ang mga ito ay ibayo pang nagpalala sa maigting na situwasyon ng Korean Peninsula at nakasira sa kapayapaan at katatagang panrehiyon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |