Sabado, ika-23 ng Setyembre, 2017, sinabi ng Kagawaran ng Depensa ng Estados Unidos na nang araw ring iyon, lumipad sa water area sa dakong hilaga ng Hilagang Korea ang mga strategic bomber ng tropang Amerikano.
Sa isang pahayag, sinabi ni Dana White, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Depensa ng Amerika, na ito ang pinakahilagang rehiyon sa di-militar na rehiyon ng Hilagang Korea at Timog Korea, na nilipad ng fighter plane ng Amerika sa kasalukuyang siglo. Nagpapakita aniya ito ng lubos na pagpapahalaga ng tropang Amerikano sa "mapusok na aksyon" ng Hilagang Korea. Ang nasabing paglilipad ay naglalayong ipakita ang maraming "pagpiling militar" ni Pangulong Donald Trump ng Amerika para harapin ang banta ng Hilagang Korea.
Kamakailan, matigas ang pakikitungo ng pamahalaang Amerikano sa Hilagang Korea. Pagkaraang ilabas ni Trump ang pananalitang may kinalaman sa "lubusang pagwasak ng Hilagang Korea" sa general debate ng Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN) noong ika-19 ng buwang ito, ipinatalastas ng pamahalaang Amerikano ang bagong round ng matinding sangsyon sa Hilagang Korea noong ika-21 ng Setyembre.
Salin: Vera