Nang kapanayamin ng ASEAN Focus, ipinahayag ni Xu Bu, Embahador Tsino sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na ipinagkaloob ng Tsina ang mga aktuwal na suporta sa ASEAN at mabunga ang mga kooperasyon ng dalawang panig.
Inulit ni Xu na ang ASEAN ay mahalagang partner ng "Belt and Road" Initiative ng Tsina. Dagdag pa niya, palagiang kinakatigan ng Tsina ang konstruksyon ng ASEAN Community at nukleong papel nito sa mga suliraning panrehiyon.
Sinariwa ni Xu ang kasaysayan ng relasyon ng Tsina at ASEAN. Sinabi niyang noong 1997, iginiit ng Tsina ang pagde-devalue ng RMB. Ang patakarang ito, aniya, ay nakatulong sa pagpapatatag ng kalagayang pangkabuhayan ng mga bansa ng Timog-silangang Asya.
Aniya pa, noong 2008, ipinagkaloob ng Tsina ang halos 25 bilyong Dolyares na pautang sa mga bansang ASEAN para tulungan sila sa pagharap sa hamon ng pandaigdigang krisis na pinansiyal.
Kaugnay ng isyu ng South China Sea (SCS), sinabi ni Xu na narating ng Tsina at ASEAN ang nagkakaisang posisyon sa paraan ng paglutas sa isyung ito. Aniya pa, ang isyung ito ay hindi makakaapaketo sa pagsuporta ng Tsina sa ASEAN.