Ipinatalastas Huwebes, Oktubre 2, 2017, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Pham Binh Minh, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Biyetnam, bibiyahe sa Biyetnam si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina mula Oktubre 2 hanggang 3.
Sa panahon ng pagdalaw, kakausapin ni Wang si Pham Binh Minh at ang mga lider na Biyetnames upang magpalitan ng kuru-kuro tungkol sa relasyong Sino-Biyetnames at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan.
Salin: Li Feng