Magkakahiwalay na kinatagpo kahapon, Biyernes, ika-3 ng Nobyembre 2017, sa Hanoi, Biyetnam, si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, nina Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam, at Nguyen Xuan Phuc, Punong Ministro ng bansang ito.
Kapwa ipinahayag ng dalawang lider na Biyetnames ang pagbati sa matagumpay na pagdaraos ng ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina. Ipinahayag din nila ang pananabik sa pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Biyetnam.
Ipinahayag naman ni Wang ang pag-asa ng panig Tsino, na sa pamamagitan ng naturang pagdalaw, palalakasin ng Tsina at Biyetnam ang pagtitiwalaang pulitikal, isasagawa ang pangkalahatang plano hinggil sa kanilang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership, at pasusulungin sa bagong antas ang relasyon ng dalawang bansa at dalawang partido.
Salin: Liu Kai